By Rowena Agilada
MAY kuwento pala kung bakit naging ninong at ninang sina Martin Nievera at Regine Velasquez sa celebration ng 25 years of togetherness nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.
Sa guesting ng mag-asawa sa “Tonight with Arnold Clavio,” ibinahagi nila ang pangyayari noong nag-cool-off sila bilang mag-boyfriend-girlfriend. Jan. 8, 1993 noong naging officially together sila. Gladys was 15 years old then, 13 naman si Christopher. First love nila ang isa’t isa.
There came a point na ani Christopher, gusto niyang ma-experience kasama ang kanyang barkada. Two months silang hindi nagkita ni Gladys. No communication at all.
Naisip ni Gladys na hindi na sila magkakabalikan, kaya tinawagan niya si Christopher. “Sabi ko sa kanya, I want to say goodbye. Tanong niya, saan daw ako pupunta? Sabi ko, tinatapos ko na ang relasyon natin para may closure,” words to that effect na wika ni Gladys.
Ani Christopher, naunahan lang siya ni Gladys. Tatawagan sana niya ito. Gusto niyang makipagbalikan. Nagpunta siya sa bahay nina Gladys sa Antipolo (o Marikina ba?). May back-up pa siyang katropa niya roon.
Ani Christopher, nilalagnat siya at nag-motorcycle lang papunta kina Gladys. Umuulan pa. Sa labas lang siya ng bahay dahil nasa taping ng isang TV show si Gladys.
Nang dumating si Gladys, deadma siya kay Christopher. Ang mommy niya ang pumilit sa kanya na papasukin sa bahay nila si Christopher.
Habang nag-uusap sila, may kung sino sa pamilya ni Gladys ang nagpatugtog ng mga awitin nina Regine at Martin, “Kahit Umuulan” at “Kahit Isang Saglit.” “‘Yun ang dahilan bakit naging ninong at ninang namin sina Martin at Regine (laughs),” lahad ni Gladys.
Pang teleserye o pelikula ang pagbalikan nina Christopher at Gladys. May rain effect at background music. Ani Gladys, answered prayer. Nagpasalamat siya sa Panginoon na si Christopher ang napangasawa niya. Apat ang anak nila. Aniya pa, tatlong P’s ang sikreto ng masaya at matatag nilang pagsasama. Prayer, patience at partnership.
Audition
Ngayong araw ang audition sa “The Clash,” upcoming singing contest ng GMA na si Regine Velasquez ang host. Sa Sunshine Park, Baguio City ang venue ng audition, 10 a.m. to 6 pm. Open to all male and female, 16 years old and above.
Bring two recent photos (2 X 2 at full body shot). Maghanda ng at least two songs, (English and Tagalog) with minus one.