By RUEL J. MENDOZA
KUNG ang aktor na si Gary Estrada lang ang masusunod, mas gusto niyang magtapos muna ng kanyang pag-aaral ang panganay niyang si Kiko Estrada bago ito nagpaka-busy sa showbiz.
Masayang-masaya naman si Gary sa magandang takbo ng career ng kanyang anak sa bakuran ng GMA-7. Happy siya sa mga projects ng kanyang anak, bukod sa paglabas sa TV at pelikula, endorser din si Kiko ng isang kilalang underwear brand.
Pero nanghihinayang lang si Gary dahil isang taon na lang daw ay matatapos na ni Kiko ang kurso nito sa College of Saint Benilde.
“Don’t get me wrong, I’m very happy and very, very proud of my son. Especially now na maraming gusto siyang makatrabaho.
“Pero kung ako lang ang masusunod, siyempre, sana tinapos muna niya ang pag-aaral kasi nasa third year college na siya nung huminto.
“He’s doing very well already in Benilde. I feel sad lang kasi isang taon na lang at kalahati ga-graduate na siya,” diin pa ni Gary.
Kinuwento pa ng aktor na kahit busy siya noon sa maraming showbiz commitments, hindi niya pinabayaan ang pag-aaral niya. Medyo natagalan daw siyang matapos, pero dahil sa tiyaga, nagawa niyang makakuha ng college diploma.
“Kasi ‘yung sa akin naman, ang pumasok sa showbiz halos ganun din, eh. Pero pinilit ko na makapagtapos kahit papaano.
“‘Yung college degree ko it took me seven years to finish na usually dapat apat na taon lang, ‘di ba?
“So sana matapos ni Kiko ang pag-aaral niya, kasi at the end of the day iba pa rin ‘yung may natapos ka. ‘Yung may diploma ka.
“Malay mo pagkatapos niya nitong karerang ito bilang artista puwede siyang pumasok sa pulitika, sundan ‘yung yapak ng pamilya namin,” pagtapos ni Gary na kasama sa GMA teleserye na “The Stepdaughters.”