By PIA
Humina na ang low-pressure area (LPA) na huling namataan ng DoST-PAGASA sa layong 290 kilometrong timog kanluran ng Puerto Princesa City kahapon.
Gayumpaman, nagbabala ang DoST-Pagasa na ang mahinang LPA ay maaaring magdulot ng kaulapan at kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-kidlat sa katimugang Palawan kaya dapat pa rin mag-ingat ang mga kababayan doon.
Dahil din sa LPA, pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga kababayan sa Palawan na ang mga tahanan o pinagtatrabahuhan ay malapit sa mga ilog tulad ng Abongan, Lian, Barabakan, Rizal, Caramay, Langogan, Babuyan, Bacungan, Iwahig Penal, Inagauan, Aborlan, Malasgao, Apurauan, Baton-Baton, Aramayanan, Ihawig, Panitian, Pulot, Lamakan, Kinlugan, Eraan, Tiga Plan, Malabangan, Ilog, Bansang, Conduaga, Culasian, Iwahig (Brookes), Okayan, Canipan at Busuanga, Coron.
Ang mga nabanggit na ilog ay maaaring maapektuhan ng katamtaman hanggang manaka-nakang mabigat na pag-ulan.
Ang silangang bahagi ng Katimugang Luzon naman at kabisayaan ay naapektuhan ng buntot ng cold front.