By Robert R. Requintina
CONFIRMED: Ang singer/theater actor na si Mark Bautista ay isang bisexual.
Ito ay matapos niyang aminin sa magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Soho” na ipinalabas sa GMA 7 nitong Linggo, Feb. 25.
“I love both sexes, yeah. Bisexual,” ayon kay Bautista, base sa kanyang inilabas na autobiography na pinamagatang “Beyond The Mark.”
“Sinabi ko naman sa book na if God will give me the right person na para sa akin, then I will embrace that,” ayon kay Bautista.
Pero sinabi ni Bautista na pangarap pa rin talaga niyang magkaroon ng sariling pamilya.
“I want to have kids, I want to have a family kung mabigyan ng pagkakataon. Di ba ang sarap nun?” dagdag pa nya.
Nauna na rito, isiniwalat na ni Bautista na nagkaroon siya ng sexual encounter sa isang kilalang aktor sa Pilipinas.
Hindi na niya pinangalanan ito.
Ikinuwento rin ni Bautista ang isang muntikang sexual encounter sa isang distant relative noong bata pa sya.
“I would consider it more of an assault. For the longest time, never ko ‘yan napag-usapan even sa family ko, even sa mga kaibigan ko. May pressure, naging aggressive ‘yung distant cousin ko;
“In-expose niya ‘yung sarili niya sa akin, parang pinipilit niya ako to do a sexual act. Ganun ‘yung nangyari pero natakasan ko ‘yun;
“Pero ang daming tanong sa isip ko, but I think sa edad ko rin na ‘yun, hindi pa ganun kalalim ‘yung pag-intindi ko sa mga ganun bagay, so parang kinalimutan ko na lang siya,” ayon kay Bautista.
Nagbigay naman ng advice si Bautista sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak habang ito ay lumalaki pa lamang.