By MERCY LEJARDE
In pernes kay Raymond Francisco dun sa thanksgiving pa-lunch niya for winning Best Actor sa katatapos lang na 34th PMPC Star Awards For Movies ay sinabi agad niyang “My life is an open book. Wala po akong maitatago sa inyo” at deretsahang inamin niya na siya ay certified bading.
When asked by yours truly kung gagawa rin ba siya ng libro tulad ni Mark Bautista or kino-consider ba niya ang kanyang pagkatao na isa siyang bixesual ang kanyang prangkang sagot ay….
“Hindi po ako gagawa ng libro kasi ayoko namang may masagasaan akong tao or mga tao na naging ka-bromance ko. Ayoko pong guluhin ang kanilang isipan at pagkatao. Ayokong mandamay ng mga taong nananahimik naman. Ayokong mabulabog ang buhay nila lalo na ng mga mahal nila sa buhay.
“Hindi ko rin po masabi kung ako ay bixesual kasi pagdating sa babae ayyy…parang ayoko…hindi ko kaya patulan, parang…Eeewww, hahaha!”
Sa mga male celebs natin sa ngayon sino ang gusto niyang maging ka-bromance?
“Ayy, si Joshua Garcia! Alam nyo, nu’ng pareho kaming nasa Resorts World Newport Performing Theater, nu’ng nasa stage na ako…pinipigilan ko ang tumingin kay Joshua kasi andun siya nakaupo sa silya paharap sa stage, kitang-kita ko siya. Naramdaman ko ‘yung kilig sa aking katawan, hahaha.
“Nu’ng i-mention ko ‘yung mga co-nominees ko as Best Actor, na sabi ko, ‘itong award ko ito ay idine-dedicate ko kina Robin Padilla, Derek Ramsey, Aga Muhlach,’ tapos may sumigaw, ‘si Joshua rin!’
“Sabi ko, ‘ay Oo nga pala, kay Joshua (Garcia) na crush ko rin,’ hahaha! Diyos ko, talagang nasabi ko ‘yun sa stage habang nakita ko si Julia Barretto na nasa bandang stage rin na umiiling. Ay, sorry sa loob-loob ko. Crush lang naman. At saka wala namang nagpakilala sa akin kay Joshua that night, sayang ang pagkakataon, hahaha! First time ko kasi siyang nakita in person.”
Well, may saying that goes…“First shouldn’t be the last time…,” boom tusok!
Ang father niya ay ang dating artistang si Rudy Francisco at tiyuhin niya si Fred Montilla na if we are not mistaken ay ang artistang unang gumanap sa papel na Bondying noon.