By Ruel J. Mendoza
HINDI natanggihan ng controversial singer-actor na si Mark Bautista ang hiling ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho na maka-one-on-one siya sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho.”
Bukod sa topic na pagiging bisexual ni Mark, inusisa rin ni Jessica ang isang disturbing chapter ng book ni Mark na “Beyond The Mark” na tungkol sa experience niyang ma-sexual assault ng isang kamag-anak.
“For the longest time, never ko ‘yan napag-usapan even sa family ko, even sa mga kaibigan ko.
“May pressure, naging aggressive ‘yung distant cousin ko.
“In-expose niya ‘yung sarili niya sa akin, parang pinipilit niya ako to do a sexual act. Ganun ‘yung nangyari pero natakasan ko ‘yun.
“Pero ang daming tanong sa isip ko, but I think sa edad ko rin na ‘yun, hindi pa ganun kalalim ‘yung pag-intindi ko sa mga gano’ng bagay, so parang kinalimutan ko na lang siya,” sey ni Mark.
Malaking issue nga ang child molestation sa ating bansa at maganda raw na naging open si Mark sa nangyari sa kanyang ito para mapaalalahanan ang maraming magulang na bantayan ang kanilang mga anak.
“’Pag nakakakita ako ng bata na naglalaro sa lansangan, or alam kong parang napapabayaan ng parents… parang natu-trauma ako, I don’t know.
“Sabi ko, just be careful with the people that surround your kid. Kilalanin siguro ‘yung mga taong pumapaligid sa mga anak ninyo, kasi minsan it’s beyond the parents’ control or the kid’s control.
“Talagang nasa tao iyan na dapat sana intindihin niyo ‘yung effect niyan sa bata,” payo pa ni Mark.
Sa tanong ni Jessica kay Mark na ang experience ba niyang ito ang isa sa naging dahilan kung bakit naging open book na ang buhay niya. Ito ang sagot ni Mark:
“I would like to believe na hindi, pero major part siya sa nangyayari sa buhay ko.
“Kasi bata ako and sobrang innocent ng isip mo, and may bahid na ganun as you grow up.”