By Ruel J. Mendoza
Instagram millionaires na pala ang mga Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Bea Binene.
Umabot na sa 1.1 million ang followers ni Barbie samantalang may 1 million followers naman si Bea.
Marami sa mga kaedad nila Barbie at Bea, na kung tawagin ay mga millennials, ang natutuwa sa daily post ng dalawang Kapuso stars sa kanilang IG accounts.
Kasama na rito ang kanilang trabaho (taping, shooting, photo shoots), travel at OOTD.
Paminsan-minsan ay may naiisisingit silang personal na nangyayari sa buhay nila tulad sa kanilang pamilya, kaibigan at ilan pang personal na relasyon.
Pero kung maraming natutuwa, hindi naman daw nawawala ang mga bashers na walang magawa kundi ang mamuna at manira ng araw ng mga artista.
Tulad ni Barbie, hindi niya pinapatulan ang mga tinatawag na “internet trolls” na ito. Makakasira lang daw ng araw kung papatol siya sa mga bastos na bashers.
“Nababasa ko po ‘yung comment pero I didn’t give them the satisfaction na sagutin sila kasi it’s what they want. All they want is attention at hindi ko po ibibigay sa kanila iyon,” diin pa ni Barbie.
Para naman kay Bea, wala rin siyang pakialam sa mga bashers at ipu-post pa rin niya ang mga gusto niyang i-post sa kanyang IG account at walang basher ang makakapigil sa kanya.
Madalas kasing pinupuna ng mga bashers kay Bea ay ang kanyang katawan.
“Do what you love. Gawin niyo kung ano’ng sa tingin niyo ang gusto n’yo talaga.
“Hindi ‘yung gagawin n’yo dahil nakikita n’yo si Ganito, may nakikita kayo sa Instagram ni Ganito at pumayat siya so ‘yun ang gagawin mo.
“Para sa akin, iba-iba naman tayo ng type ng katawan,” sey pa ni Bea.
Bukod kina Barbie at Bea, certified Instagram millionaires din sina Gabbi Garcia (1.8 million), Bianca Umali (1 million) at Julie Anne San Jose (1 million).