By DANTE A. LAGANA
Bugbog, duguan, at namamaga ang kanang mukha ng controversial actor na si Baron Geisler na may hithit na sigarilyo na nakapost sa kanyang Instagram account.
Nabugbog daw ang aktor sa loob ng kanyang bahay. Nakasaad sa post na may 710 likes ay “What to do? Break in and bugbug by family. Wow. Still forgive them. Pera pera pag alana si mama.”
Sa YouTube na may 2 minutes and 43 seconds lu mabas ang video na sinasabing binugbog daw diumano siya ng kanyang brother in law. “My brother in law Mike and my sisters and Marge Morales beat the hell out of me nang walang kakuwenta kuwenta because of money issues. Guys help me I don’t know how to deal with this, but I’m not afraid sa mukha ko but diba ang magkapatid hindi dapat nagbubugbugan? Pinapasa-Diyos ko na lang lahat. Okey lang tanggap ko ito pero atleast ngayon tama ang sinabi ng nanay ko, Baron magpakabait ka na dahil pag namatay ako kawawa ka sa mga kapatid mo. True enough dahil lang sa pera.”
He even asked the people kung kailangan daw pumunta sa barangay dahil mag isa lang daw siya. Full force daw ang kanyang mga kapatid. Sinabi pa niya na wala raw siya talagang ginawang mali and even thanking Mike Morales for what happened to him.
Binanggit din niya at nagpapasalamat sa nangyari sa kanya ang mga pangalan nila Grace Gail, Donnie Geisler, and Ana Maria Pineda Geisler na habang sinasabi ay may halong sarkastikong napapabungisngis.
Pinost din ni Baron sa kanyang Instagram ang Angeles City Police Office request letter para magconduct ng physical examination sa kanya at may caption ng pangalan ng kanyang brother-in-law Michael Robinstone Morales.
Hindi na bago sa ganitong situwasyon si Baron dahil lagi siyang nasasangkot sa mga gulo at away sa mga showbiz personalities o sa mga simpleng tao at ngayon naman daw diumano ay sa sarili niyang mga kapatid at bayaw. Alak ang karaniwang nagiging cause ng mga gulo na na giging issue tungkol sa kanya.