By Rowena Agilada
IN the news na naman si Baron Geisler. He claims na binugbog siya ng kanyang brother-in-law. May kinalaman diumano sa money matters.
Mariin itong itinanggi ng brother-in-law niyang si Michael Morales sa pamamagitan ng social media. Deserve lang daw ni Baron ang ginawa niyang pambubugbog dahil sumosobra na ito. Lasing daw si Baron. Binastos at ginulo nito ang kanyang pamilya, ani Michael. Kung anu-ano raw masasamang salita ang sinabi ni Baron sa anak niyang babae.
Nabanggit pa ng bayaw ni Baron na kapag nalalasing ito at napapa-trouble ay siya ang tumutulong para maayos ang gulong kinasangkutan nito.
What else is new? Reaction ng netizens. Gano’n naman daw si Baron kapag nalalasing. Hindi pala niya kayang panindigan ang sinabi niya sa isang interbyu noon na hindi na siya iinom (ng alak).
Pamalit
As always, magaling umarte si Carlo Aquino. Muli na naman niya itong naipamalas sa karakter na ginampanan niya sa “Maalaala Mo Kaya.” Nabulag siya, pero hindi naging hadlang ‘yun para hindi ipagpatuloy ang buhay para makamit niya ang pangarap para sa kanyang pamilya.
Sana’y tuluy-tuloy na ang pagbahagi ni Carlo ng kanyang talent. Project pa more para ma-explore.
Kung ayaw na talaga ni John Lloyd Cruz bumalik sa pag-arte, heto ang isang Carlo Aquino na pwedeng ipalit sa bakanteng trono ni JLC.
Bagong negosyo
Mukhang malaki ang influence kay Kris Bernal ng non-showbiz-businessman boyfriend niya. Nagiging business-minded na rin si Kris. May dalawang food business na siya. Soon ay magbubukas naman siya ng make-up line business. Sa kanyang socmed account, nanghihingi si Kris ng suggestions mula sa kanyang followers para sa bubuksan niyang negosyo.
Kagagaling lang ni Kris mula sa bakasyon niya sa Iceland kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend.
Showing na
Bahagi ng Cine Lokal na pinamamahalaan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang “Ma’Rosa.” Showing na ito ngayon sa mga sinehan sa SM Mall of Asia, SM North EDSA, SM Fairview, Southmall, SM Sta. Mesa at SM Bacoor.
Screening time ay 1 p.m., 3:30 p.m., 6 p.m. at 3:30 p.m.. Tampok si Jaclyn Jose na nagwaging Best Actress sa Cannes Film Festival.