By LAILA CHIKADORA
NASANGKOT na naman sa basag ulo si Baron Geisler! Sa video na pinost niya sa Facebook last Sunday, makikitang duguan at basag ang mukha ng aktor habang kinukwento niyang kadugo pa niya ang bumugbog sa kanya.
Sa sumunod na video, pinakita ni Baron na may mga bandage na ang kanyang mukha.
Sa aking panayam via phone patch kay Baron, sinabi nitong hindi niya naipatahi ang sugat sa bandang mata. Sabi sa akin ng aktor, “Dapat may stitches ako na for my eyes pero i just couldn’t afford it.”
Ikinuwento rin ni Baron na ang pinagmulan ng kanilang away ang pag-post niya sa social media ng dokyumento tungkol sa estate claims o mana nilang magkakapatid mula sa namayapa niyang ina. Hindi daw kasi siya kinakausap ng mga kapatid niya tungkol dito. Sinugod daw si Baron sa bahay ng kapatid niyang si Grace at ng asawa nitong si Mike!
“Once you post anything like private, halimbawa ‘yung nakasulat dun sa tungkol sa estate, magiging null and void siya. So nagalit ‘yung brother-in-law ko. They opened the gate, sinira padlock ko, sinira ‘yung door ko, they went in, pamangkin ko, my sister Grace. They punched me.”
Dahil sa nangyari, ayaw munang umuwi ni Baron sa bahay niya na katabi lang ng bahay ng kapatid dahil sa takot.
kasalukuyang siyang kinukupkop ng isa sa mga sponsors niya mula sa Alcoholics Anonymous, isang grupo na tumutulong sa aktor para matigil na ang pag-inom ng alak.
Nagkaroon din ng sagutan sina Baron, kanyang kapatid na si Grace, pamangkin na si Marge at isa pang tiya nila sa social media.
Sinabi ni Grace na nagsisinungaling si Baron at pagod na pagod na siyang pagtakpan ang kapatid. Tinanong niya din si Baron sa post kung nakailang bote na ito ng gin bago biglang pumasok sa kanyang pamamahay para mang-harass. Lagi na lang daw binabaligtad ni Baron ang kuwento. Hindi rin daw totoong nagpupunta ito sa Alcoholics Anonymous. Sagot naman ni Baron sa akin, “If you want to investigate, if you think l’m drunk, no l’m not! I didn’t barge in, I said ‘hi kamusta whats happening, I missed you, l missed you guys!’ Hindi niyo man lang ako kinakausap. Dahil they’re trying to cheat the estate eh hindi nila alam I’m talking to my lawyer.”
Panghuli sinabi ng kapatid ni Baron na si Grace na magkakaroon lang ng dayalogo kapag hindi na lasing si Baron.
Handa pa rin naman si Baron na magpatawad. Mensahe niya sa mga kapatid, “I love you! ‘Yun lang wala akong problema.
Always naman, forgive, kasi what else can we do right?’’
Sinubukan ko din na makuha ang panig ng kapatid ni Baron sa issue ngunit ayaw nilang magkomento.