By PIA
Nagmistulang magnet ang Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX para mahatak papasok sa Clark Freeport Zone ang mga bagong mamumuhunan.
Ganyan tinukoy ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd district representative Gloria Macapagal Arroyo ang naging malaking papel ng SCTEX ngayong sampung taong gulang na ito.
Sa pagpapasinaya ng bagong Mabiga Interchange ng SCTEX, sinabi ni Arroyo na ginawang world-class ng SCTEX ang Subic-Clark area bilang pinakamainam na logistics hub sa Asya.
Taong 2008 nang pasinayaan ni Arroyo ang 93 kilometrong SCTEX na siyang nagkakabit ng mga economic zone ng Subic Bay, Clark, at Tarlac.