By MELL T. NAVARRO
ANG “El Peste” (The Pest) ni Direk Richard Somes ay isang full length sex drama film finalist ng Sinag Maynila Film Festival 2018, slated on March 7-15 sa select SM Cinemas in Metro Manila.
Bida rito ang underrated character actor na si Mon Confiado, na ikalawang beses nang nagka-entry sa nasabing filmfest – na si Brillante Mendoza ang festival director – ang una ay ang “Swap”.
“Sobrang overwhelmed ako dito sa ‘El Peste’ dahil aside sa ako ‘yung lead actor, ang director ko ay si Richard Somes.
I’m very comfortable to work with Direk.
“Very interesting ang movie, dahil title pa lang very intriguing na,” sabi ni Mon.
Aminado si Mon na very challenging ang character niya sa pelikula.
“Para siyang daga, na nakatira sa isang miserableng lungga sa Maynila. Taga probinsya. Iniwan ng asawa. At nagtatrabaho sa Panther, isang pest control company.
“Ipapakita dito ang pesteng pamumuhay ni Abner. Hanggang makilala nya si Viola na pinepeste (sinasaktan, minamaltrato, binabale wala) ng kanyang asawa.
“Magiging interesado si Abner kay Viola kaya gagamitin niya ang mga peste (daga) para makabalik sa kanilang bahay.
“Hanggang dumating ang trahedya na babago ng kanilang buhay habambuhay.”
Ganoon na ka-komportable si Mon kay Direk Richard Somes dahil nakailang ulit na silang magkatrabaho – kabilang na sa “Corazon, Ang Unang Aswang,” “Supremo”, at iba pa.
“’Yung style of directing ni Direk Richard Somes, kabisado ko na.
“Wala kaming script dito. Karamihan ng lines namin dito ay improvisations. Sinasabi lang ni direk ang sitwasyon at kami na ang bahalang gumawa ng pag-uusapan.
Kasama rin sa “El Peste” sina Jean Judith Javier (theater actress), Alvin Anson, Leon Miguel, directors Jim Libiran, and Tikoy Aguiluz.