By DANTE A. LAGANA
HINDI sinasadyang nagkaroon ng chance sa isang event na makausap ng TEMPO ang former discoverer-mentor ni Anne Curtis na si Ms. Annie Ayroso o kilala sa showbiz ngayon sa pangalang Tita A. Hinggil ito sa issue na lumabas last year ng November about sa kanyang tampo at hinaing sa dating alaga.
Pero ngayon, habang kinakausap ng TEMPO ang manager ay napakapositibo na ng kanyang pananaw about Anne Curtis.
“Hayaan na lang natin siyang masaya, at least natupad ang pangarap niya na gumanda ang buhay ‘di ba,” ang naging pahayag ng muling nagiging active na manager.
Nirecall din niya noon na nakikinig talaga sa kanya si Anne at siya ang kasa-kasama sa lahat ng taping. Noong commercial model si Anne pangarap na raw talaga nito ang maging artista.
Dagdag pa niya na mabait si Anne at masaya siya para sa tagumpay na nakamit nito bilang aktres.