By GLEN P. SIBONGA
BILANG bahagi ng kanilang programa na suportahan ang local film festivals, nakikiisa ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Solar Entertainment Corporation para sa Sinag Maynila 2018 na magpapalabas ng kanilang mga pelikula sa Cine Lokal na nagsimula noong Biyernes.
Bigating mga pelikula ang pasok ngayon sa Sinag Maynila tulad ng “Abonimation” ni Direk Yam Laranas; “Bomba” ni Direk Ralston Jover; “El Peste” ni Direk Richard Somes; “Melodrama/Random/Melbourne!” ni Direk Matthew Victor Pastor; at “Tale of the Lost Boys” ni Direk Joselito Altarejos.
“Cine Lokal aims to be a venue for quality films to be made available to Filipino audience and by supporting Sinag Maynila, these creative and meaningful films will have a home and will be watched by not just film enthusiasts, but the general public,” ani ng FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.
Itinampok ng Sinag Maynila ang FDCP Film Talks @ Sinag Maynila kahapon sa SM North Edsa Cinema 3. Isa itong libreng forum para sa mga diskusyon kung paano maitatampok ang iyong pelikula sa international film festivals at ma-distribute sa ibang bansa.
Ang pakikipag-ugnayan ng FDCP sa mga film festivals katulad ng Sinag Maynila ay bahagi na rin ng ika-sandaang selebrasyon ng Pelikulang Pilipino. “This year and next year will be focused on celebrating this milestone. We believe that this is the time to come together to commemorate this legacy, learn from our film history, and also look forward to the next hundred years,” dagdag pa ni Chairperson Diño.
Huwag palagpasin ang mga pelikula ng Sinag Maynila sa lahat ng mga sinehan ng Cine Lokal sa Metro Manila simula Marso 9-15, 2018. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang Cine Lokal facebook at iba pang FDCP social media accounts.