By LAILA CHIKADORA
BISING-BISI at umaapaw ang biyaya ngayong 2018 para kay John Pratts. Bukod sa mga proyekto sa kanyang mother network, busy din si John sa pagdidirek ng mga music videos at concert.
Kakatapos lang ng successful na concert ni Moira sa Kia Theater kung saan si John ang nagdirek nito. Ang dating childstar din ang nagdirek ng music video ni Moi na “Tagpuan” But wait! There’s more. Siya din ang magdidirek ng halos karamihan sa mga ipoproduce ng Corner Stone Concerts! Kuwento ni John, hindi niya ito magagawa kung walang suporta ng kanyang asawang si Isabel Oli! Inspirasyon din niya ang kanyang two year old daughter na si Lilly Feather!
“Wala na kong hihilingin pa. Itong mga nararating ko dahil sa kanila. Dahil kay Liv din. Siya ‘yung nagpupush sa akin. Siya ‘yung, pagfeeling ko ‘di ko na kaya, siya nag-reremind sa akin na kaya ko. Siya ang lakas ko talaga, literal! Sobrang blessed ako.
Ang pagiging direktor ang nais talagang tahaking path ni John sa industriya. Kuwento pa niya, sa hinaharap kasama sa mga plano niya na magdirek ng mga pelikula at serye. Pero sa ngayon naka-focus siya sa pagdidirek ng mga music videos at ng mga concert. “Lahat ng direktor, pangarap magdirek ng pelikula. Ngayon focused ako sa concert pero pag dumating naman ang tamang script at mga artista gusto kong makatrabaho darating yan.”
Hindi naman mawawala sa line up ng gusto niyang makatrabaho bilang direktor ang kanyang malalapit na kaibigan na sina Sam Milby, Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Nais din niyang makatrabaho sa pelikula si Baron Geisler.
May mensahe din si John kay Baron. “Baron is a great actor! Anything is possible! Baron is really a nice guy, wala akong experience sa kanya na masama and I really pray na kung ano man ang pinagdadaanan niya in the past years sana maging ok siya. Wala naman makakatulong sa atin kung ‘di mga sarili natin e. And I always pray na sana magkaroon siya ng strength na labanan kung ano man ang mga temptation like alcohol man yan or whatever. Sana maging ok ka pare, hindi naman late para magbago.”