By Laila Chikadora
NASA kalahati na ang shooting ng “Goyo” o ang buhay ng pinakabatang heneral na si Gregorio del Pilar. Si Paulo Avelino ang gaganap na Goyo gaya ng kanyang role sa pelikulang Heneral Luna ng Artikulo Uno Productions. Say ni Paulo, isa sa mga challenges na kinaharap niya ay ang mga underwater scenes sa pelikula.
“Well mahirap talaga, pag kailangan mong lumubog sa ilalim at siyempre gumagalaw ka sa ilalim ng tubig medyo mahirap kasi wala kang hangin tapos malayo ‘yung travel paahon, so ‘yun ‘yung tricky part.
Naging balakid rin sa kanilang pagsu-shoot ang pag-akyat baba sa set na nasa kabundukan lang naman ng Batangas, Ilocos, Bulacan, Tarlac at Zambales! “Going up the mountain is mahirap na kasi lagi nababalahaw sasakyan 4×4 lang nakakaangat pagdating sa taas inuulan pa kami tapos baha.”
Bukod sa “Goyo,” busy din siya sa pagsu-shoot ng “Kasal” kasama sina Derek Ramsay at Bea Alonzo.