By Dante A. Lagana
PINALAKPAKAN at hiniyawan ng mga estudyante nang mapanood ng TEMPO ang concert last Feb. 28 ang winner ng first season ng “The Voice Kids” na si Lyca Gairanod, isa sa mga performers sa palabas na ginanap sa Valenzuela City People’s Park Amphitheater. Tinawag itong “Teen Divas/ Divos Campus Tour 2018” na tie-up ng MCA Music Inc. at ng St. Joseph Academy of Valenzuela for their 30th year anniversary.
Sa edad na 13, blooming na si Lyca na halos hindi mo na makilala kumpara nung siya’y bata pa sa ABS-CBN’s “The Voice Kids.” Noon ay nangangalakal ito sa mga kapitbahay habang bumibida ng kanta na kinagigiliwan sa kanilang lugar sa Cavite.
Kinamusta ng TEMPO si Lyca. Sabi niya: “Siyempre malaki na rin ang pinagbago mula po noon at maraming sumusuporta sa akin ngayon. Masaya rin po ako sa nakuha ko ngayon,” saad niya.
Pinupuntahan pa rin daw niya at binibisita ang dati nilang lugar kaya hindi siya nakakalimot.
Pinagsasabay din niya ang singing at pag-aaral na kasalukuyang nasa grade 5 na siya.
Nagbigay ng message si Lyca sa mga kabataan na nangangarap. “Huwag susuko kahit manalo o matalo tayo go pa rin.
Hinihintay ka lang niyang matupad, pray ka lang kay Lord,” ang kanyang mensahe.
Sa mga estudyante sinabi niyang mag-aral daw nang mag-aral hanggang makatapos.
Sa concert, inawit ni Lyca ang “Musika ang Buhay” na sinabayan ng sigawan sabay tawag ng pangalan niya at palakpakan ng mga estudyante na pilit nilalapitan siya. Inawit din niya ang “Rolling on the River” at “Luha.”
Other performers during the concert were Elha Mae Nympha, Joshua Oliveros, Edray Teodoro, Mica Gorospe, Pretty Girls, Roel Manlangit, Rayantha Leigh, Sarah Ortega, Aries Go, and SJAV Talents.