Magsasagawa ang Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle-Manila ng pambansang seminar-worksyap at pakitang-turo sa Abril 25-28 sa Seminar Room 407-409, Don Enrique Yuchengco Hall sa DLSU Manila Campus.
Ang tema ng nasabing aktibidad ay ang “Pedagohiyang Kooperatibo, Integratibo, Interaktibo, at Outcomes-Based sa Wika at Panitikang Filipino Mula Elementarya Hanggang Kolehiyo.”
Makakukuha ng Continuing Professional Development (CPD) CREDIT UNITS ang mga dadalo sa nasabing seminar-workshop.
Para sa karagdagang impormasyon maaring mag-email sa [email protected].