By Rowena Agilada
MAGING Lucky 13 kaya ang 2018 Star Magic Circle na ipinakilala sa press kamakailan? Five boys and eight girls ang bumubuo nito. Tatlo sa mga ito’y may showbiz parents.
Si Leila Alcasid, 20 years old, ay anak ni Ogie Alcasid sa first wife niyang si Michelle van Eimeren. Anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan si Donny Pangilinan, 20 years old.
Si Boom Labrusca ang father ni Tony Labrusca, 22 years old. Ang iba pang Star Magic Circle girls ay sina Zonia Mejia, (16), Anna Luna (22), Chantal Videla (15), Daniela Stranner (15), Yasmyne Suarez (20), Charlie Dizon (21) at Patty Mendoza (20).
Ang boys naman ay sina Karl Gabriel (20), Marcus Patterson (19) at Henz Villaraiz (18).
Ani Leila Alcasid, ayaw niyang magpa-pressure dahil anak siya ni Ogie Alcasid. Gagawin niya ang kanyang best para makilala on her own at hindi basta shadow lang ng kanyang famous father. Supportive ito sa kanya at proud siya to be Ogie’s daughter.
Nag-aaral si Leila ng Tagalog. Nakakaintindi at nakakapagsalita na siya ng ilang Tagalog words. More than a year na siyang namamalagi sa Pilipinas since umalis siya sa Australia kung saan naiwan doon ang kanyang mommy at younger sister na si Sarah.
Marunong kumanta si Leila at nagkaroon na siya ng unang single “Completely In Love With You.” Gusto rin niyang subukan ang acting at wish niyang magkasama sila ng kanyang daddy Ogie sa isang movie project.
May tampo sa ama?
Sumali si Tony Labrusca sa “Pinoy Band Superstar,” pero hindi siya nanalo. Nagkaroon naman siya ng TV project. Nakasama siya sa “La Luna Sangre.” Nagkaroon pa siya ng debut single, “Tanging Ikaw.” Naging paborito rin siyang commercial ad model ng isang fast food chain.
Sa presscon, inamin ni Tony na hindi siya lumaki sa piling ng kanyang biological dad. Hindi nga niya ito matawag na daddy at Boom ang tawag niya.
Mukhang may tampo si Tony. Makahulugan ang sinabi niyang, “Family does not always mean blood.” Aniya, lumaki siya sa pagmamahal ng kanyang biological mother at stepfather na itinuring siyang tunay na anak.
Hardest
Most memorable at hardest shoot ever para kay Gerald Anderson ang “My Perfect You.” Sa Zambales ang location na aniya, rough road ang dinaanan nila. Four hours ang biyahe.
Twelve days siya roon at sa isang cottage na malayo ang CR (comfort room) siya tumuloy. Walang kuryente, walang signal, kaya hindi siya nakagamit ng cellphone.
Bumilib siya kay Pia Wurtzbach dahil hindi ito umastang Miss Universe. “Noong una, nag-worry ako kay Pia dahil hindi pang-Miss Universe ang CR. Pero hindi siya nag-inarte,” ani Gerald.
Showing na ngayon ang “My Perfect You” sa mga sinehan nationwide.