By RUEL J. MENDOZA
MATAPOS na maging official ang engagement ni Kapuso singer-actress Aicelle Santos at GMA news correspondent Mark Zambrano noong nakaraang March 7, ready na si Aicelle sa kanyang magiging kapalaran sa musical na “Miss Saigon.”
Lilipad si Aicelle for London on March 22 para sa paghahanda niya for the musical na “Miss Saigon.”
Gagampanan ni Aicelle ang role na Gigi van Tranh sa Miss Saigon UK Tour.
Ang role na Gigi ay unang ginampanan ng theater actress na si Isay Alvarez noong 1989 at sumunod ang singer na si Rachelle Ann Go noong 2014.
Suportado ng kanyag fiancé na si Mark ang pag-alis ng bansa pansamantala ni Aicelle para matupad ang matagal ng dream nito na mapasama sa musical “Miss Saigon.”
Ano kaya ang feeling ni Aicelle na magkakalayo sila ng fiancé habang nasa London ito ng ilang buwan?
“Short time lang naman ‘yun eh, mabilis lang, and it’s something that I need to do, something na I need to experience.
“Happy ako na nabigyan tayo ng chance na matupad ang matagal ko ng dream to be a part of ‘Miss Saigon.’
“Excited ako pero at the same time mami-miss ‘yung pamilya at siyempre si Mark. But it will be okay,” ngiti pa ni Aicelle.
Hindi daw niya inasahan na magpu-propose na si Mark sa kanya kahit napag-uusapan na nila ang kasal.
“Nagulat talaga ako, it was supposed to be an event, tapos biglang proposal na pala. Nagulat ako but I am very happy.
“Because we’ve talked about it, ‘yung settling down. Lagi naman na ‘yun napag-uusapan. Hindi pa lang namin alam when,” diin ni Aicelle
Wala pa raw silang exact date ng kanilang kasal, pero mangyayari raw iyon pagkatapos ng stint niya sa “Miss Saigon.”
“Next year, pag balik ko na lang,” paniguro pa ni Aicelle Santos.