By Rowena Agilada
MAGKASAMA sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino sa bakasyon nila sa Australia with their non-showbiz friends.
Kilig-kiligan ang kanilang fans sa mga photo at video nilang ipinost sa socmed.
Pa-hopia kaya ang ex-lovers sa posibilidad na magkabalikan sila? O, hindi kaya sweet-sweetan lang sila dahil may gagawin silang project?
Dasal ng kanilang fans na magkaroon sila ng second chance. Sa isang interbyu, sinabi ni Carlo na kung hindi sila nag-break, baka sila ang nagkatuluyan. Six years sila together. First love nila ang isa’t isa.
First love never dies. Who knows, baka kapag nagkabalikan sila, maging forever na sila?
Lutang
Fashionista si Gina Alajar sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” Lutang na lutang din ang akting niya. Dapat talagang kabahan si Yasmien Kurdi kapag magka-eksena sila.
In all fairness, nakakasabay naman si Yasmien kay Alajar. Hindi nananapaw ng eksena ang huli, kahit kayang-kaya niyang gawin.
Sa tinatakbo ng istorya ng HKKIK, gustong palayasin ni Adelaida (Gina) si Thea (Yasmien) dahil may HIV ito.
Minamaltrato niya ito para umalis na sa kanyang pamamahay at iwan ang asawang si (Marco) Mike Tan at dalawa nilang anak.
Pinagdududahan ni Mike si Yasmien na bukod kay Lawrence (Martin del Rosario) ay may iba itong lalaki na nahawahan siya ng HIV.
Promising
Isa sa youngest sa 2018 Star Magic Circle si Chantal Videla, 15 years old. Sa launch ng grupo, ilang entertainment press ang nagsabing promising si Chantal.
Filipino-Argentinian siya. Thirteen years old siya noong naging commercial model. Dream niya talaga maging artista, kaya nag-audition siya sa Star Magic.
Idol ni Chantal si Liza Soberano at wish niyang maka-work ito sa future projects. Acting, singing, modelling, playing guitar and piano ang talents niya.
Newbie
Based na sa abroad si Bailey May na ka-love team ni Ylona Garcia, kaya susubukan siyang itambal kay Henz Villaraiz.
Kabilang si Henz sa 2018 Star Magic Circle. He is 18 years old. Sumali siya sa “Pinoy Boyband Superstar,” pero natalo siya.
Napansin siya ni Mr. Johnny Manahan at isinama sa 2018 Star Magic Circle. Ipinanganak sa Pilipinas si Henz. Nag-aral sa Australia, then lumipat siya sa Japan kung saan naka-base ang kanyang mother.
Bumalik si Henz sa Pilipinas sa kagustuhan ng mother niya na matuto siyang maging independent. Bahagi siya ngayon ng daytime soap, “Sana Dalawa Ang Puso” at isang indie movie para sa Cinemalaya Film Festival.