By Laila Chikadora
UNANG araw pa lang ng painting exhibit ng isa sa mga anak ni Vic Sotto na si Paulina sa Rustan’s Makati, pero marami na agad ang nagpa-commission at bumili ng kanyang mga obra. Gaya na lang ng collaboration nilang dalawa ng kanyang lolo na si National Artist for Visual Arts na si Arturo Luz na nagkakahalaga ng 300 thousand pesos!
Dahil kumikita na mula sa kanyang mga obra, hinikayat ni Paulina ang mga kababaihan na ilabas ang kanilang pagiging creative lalo na ngayong Women’s Month! “You have nothing to lose if you get out there. And it’s the best thing to do, what you love for a living!”
Present naman sa exhibit ni Paulina ang proud father na si Vic Sotto kasama ang asawang si Pauleen. Chinika ni Bossing na madami siyang mga obra ng anak sa bahay pero pambubuking ni Paulina “I’ve given him more than he’s bought!
But on my first exhibit siyempre he had to buy one but it’s mostly gifts, of course I don’t wanna charge!”
Dagdag naman ni Pauleen, “Mga 9 out of ten hinihingi niya!”
Kaya buwelta ni Bossing, “May isa naman akong binabayaran! Haha”
Nai-chika din ng mag-asawa na happy and healthy baby ang kanilang panganay na si Talitha!
“Very healthy! Ok naman siya! Mabigat. Medyo jumujubis na! Ang pinaglihihan kasi nito si Baste eh.
“Saka mabait ‘yung baby namin, hindi masyadong gumigising sa madaling araw! Kapag nagigising ‘yun, gutom lang! Pagka-chibog, log-tu na ulit! Very easy baby!”
Ngayong isang ganap nang mommy si Pauleen, masasabi niyang ramdam na ramdam na niya ang pagiging babae kaya naman mahalaga sa kanya na i-celebrate ang Women’s Month! “Na-reach ko na ‘yung full potential ng pagiging isang babae nung naging nanay ako, and I’m very, very happy and blessed! It’s very fulfilling and the best job in the world kasi kahit walang bayad, isang ngiti lang… napakasarap!”
Sa sobrang enjoy ni Poleng sa pagiging nanay, posible kayang madalang na siyang lalabas sa TV ngayon? “Hindi naman I’ll be back soon! Nagpapapayat pa ko!”