By Laila Chikadora
NASA 685k subscribers na ang YouTube Chanel ni Alex Gonzaga kaya naman siya ang napili ng Krem-Top na maging bagong endorser ng kanilang produkto para sa proyektong TasteTimonials kung saan nag-ikot sila sa iba’t ibang lugar at nagpapa-taste test habang vina-Vlog niya ito.
Anything goes at hindi rin naman restricted si Alex na ipakita ang mga miyembro ng kanyang pamilya sa paggawa ng mga Vlogs o video blogs niya.
Ang latest niyang Vlog na make-up session kasama ang kanyang daddy nasa 800 thousand views na. “Actually blessed ako na ‘yung mga kapamilya ko walang ka-arte arte minsan lang si Mommy Pinty tinotoyo haha.”
Ang kanyang boyfriend naman na si Mikee Morada lumalabas minsan sa Vlog niya. Pero gusto daw ng singvestigator na isang buong date episode ang gawain kasama ang jowa! Katunayan humingi ng permiso si Alex kay Mikee na mai-Vlog ang kanilang Valentine date pero naki-usap ang non-showbiz boyfie ni Alex na sa ibang pagkakataon na lang dahil espesyal ang araw ng mga puso na idinaos nila sa Tagaytay.
Very appreciative naman si Alex sa kanyang boyfriend na tumutupad sa mala-Cinderella na curfew niya sa bahay.
“Respected niya yun! Kasi ganun din ang parents niya sa mga kapatid niyang babae kaya wala siyang problema doon.”
Similarity daw sa pamilya ang dahilan kung bakit nagclick sila ng boyfriend. “Sa lahat ng mga nanligaw sa akin, si Mikee lang ‘yung pareho kami ng family values, very the same kami on how we were raised, also ‘yung aming core values, religion namin and respect, very the same.”
Say pa ni Alex, isa sa mga dahilan kaya na-fall siya kay Mikee ay dahil laging masakit ang panga niya tuwing together sila! “Kasi pag kaming dalawa lang mas komidyante siya. Dapat pala sila Kuya Long o Empoy na lang ang kin-rush ko noon, di pa ako na-heartbroken.”