By RUEL J. MENDOZA
MARAMI ang sang-ayon na karapat-dapat na maupo bilang festival director ng 2018 ToFarm Film Festival si Ms. Bibeth Orteza.
Si Bibeth ang nag-take over sa pumanaw na si Direk Maryo J. delos Reyes na umupong festival director ng TFFF since 2016.
Perfect na replacement kay Direk Maryo si Bibeth dahil sa impressive background nito with theater, TV, and films.
Bukod kasi sa pagiging artista ni Bibeth, isa rin siyang TV and screenwriter, film producer at TV director.
“It’s really an honor to succeed Direk Maryo J as festival director. Did you know that I was part of the very first movie that he directed, ‘High School Circa ‘65’ in 1979? Isa ako sa mga tsismosang teachers doon.
“Although I haven’t directed a movie, napili raw nila ako kasi I can be maternal to the filmmakers who’d want to join.
“Madi-discuss ko sa kanila ang problems sa script nila and what can be done to improve them.
“May soft spot sa’kin ang filmfest na ito kasi my own lolo was a farmer, so I have an idea kung ano ang mga pinagdaraanan nila,” pahayag pa ni Bibeth
Kasama ni Bibeth sa TFFF ay sina Direk Joey Romero as managing director at Direk Laurice Guillen as consultant.
Namumuno pa rin ng TFFF ay si Dr. Milagros How na EVP of Universal Harvester Inc., na tumutulong na mapabuti ang buhay ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga pelikula na may kinalaman sa kanilang pamilya at trabaho.
Nakapag-produce ang TFFF ng mga critically-acclaimed films tulad ng “Paglipay,” P”auwi Na,” “High Tide,” and “What Home Feels Like” na naipalabas sa iba’t ibang international film festivals.
Ngayong taon, hindi lang full-length feature films ang ipapalabas dahil may short film competition na ang TFFF.