LAMBAYONG, Sultan Kudarat (PNA) – Patay ang 15-anyos na lalaki rito Miyerkules matapos siyang barilin ng isang nakamaskarang suspek na kanyang sinita.
Twenty-one katao naman ang nasaktan nang maghagis ang parehong suspek ng granada bago ito tuluyang tumakas.
Ayon kay Senior Supt. Raul Supiter, Sultan Kudarat Police director, nangyari ang insidente sa isang compound sa Brgy. Palumbe, kung saan idinadaos ang debut party ng isang Erica Bumatay bandang alas-9 ng gabi.
Napansin umano ng biktima na si Jerome Balaba ang isang lalaking nakamotorsiklo na paikot-ikot sa labas ng gate ng compouind kaya niya ito sinita.
Bigla na lang diumano binaril ng suspek si Balaba.
Bago tumakas, naghagis diumano ng fragmentation grenade ang suspek sa harap ng gate ng compound sanhi ng pagkasugat ng 21 katao.
Patuloy pa ring pinaghahanap ang suspek na huling namataan patu ngong Sultan sa Barongis, Maguindanao.