By Rowena Agilada
HINDI isyu kay Alden Richards kung malaki o maliit na kompanya ang nag-o-offer sa kanya para maging endorser ng isang produkto. As long as naniniwala siya sa produkto, go!
Mas gusto nga niya ‘yung bagong produkto ang ine-endorse niya na aniya, parang “baby” niya ito.
Kaya naman, hindi nahirapan ang mag-asawang Cookie at Joy Yatco, owners ng Cookie’s Peanut Butter Company na kunin si Richards bilang first celebrity endorser ng Cookie’s Peanut Butter. Bukod sa magkababayan sila sa Laguna, taga-Sta. Rosa, si Alden, taga-Biñan ang Yatco couple, magkaibigan pa sila.
Ayon kay Mrs. Joy, for all ages si Alden. Kilala siya ng mga bata, teen-agers at matatanda, kaya ito ang kinuha nilang endorser. Saksi siya ng isang 92-year old lola ang lumapit kay Alden na tagahanga pala ng Pambansang Bae.
“Bukod sa napakabait niya, malapit din siya sa Diyos,” ani Mrs. Joy.
Magkano ang talent fee ni Alden bilang endorser ng Cookie’s Peanut Butter? “Worth every centavo,” ani Mr. Cookie.
Aniya pa, nagsimula sila bilang homemade lang ito. Ipinang-reregalo nila ito sa kanilang mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay tuwing Holiday Season, hanggang marami na ang gustong umorder. Naisipan nilang gawin itong negosyo.
Nine years na ang Cookie’s Peanut Butter Company na ang iba pa nilang produkto ay Cookie’s Cashew, Cookie’s Peanut Butter Pangluto, Mani ni Cookie at Kasuy ni Cookie. Ani Alden, bago pa siya inalok maging endorser ng Cookie’s Peanut Butter ay talagang kumakain na siya nito. Paborito niya itong ipalaman sa tinapay sa almusal. May baon pa siya nito at pinapapak sa taping o shooting. Bilang bahagi ng on-going series of mall tour ng CPB, nasa Megamall Event Center sa SM Megamall si Alden on April 22.
No big deal
Sa presscon ng Cookie’s Peanut Butter, natanong si Alden tungkol sa video at nag-viral sa socmed ang pagdi-dirty finger ni Juancho Trivino sa standee ni Alden ng isang brand ng wristwatch.
Ani Alden, nagulat siya noong napanood niya ang video. Ayaw na niyang palakihin ang isyu dahil nag-sorry na sa kanya si Juancho. No big deal, aniya. Nag-text ito sa kanya bago pa lumabas ang video sa socmed.
But then, kinuyog pa rin si Juancho ng Alden fans at kung anu-ano’ng panlalait at mura ang inabot niya. Next time, isip-isip muna Juancho! Or else!