By LAILA CHIKADORA
KIANA Valenciano mas naawa sa mga kasamahang Pinay na hindi nakarampa sa LA Fashion Week!
Nagsalita na si Kiana Valenciano sa hindi niya pagrampa sa LA Fashion Week kamakailan! “No Filipinos allowed” daw kasi sa Opening Night ng The Arts Heart Fashion.
Say ni Kiana chill lang naman siya pero mas naawa daw siya sa iba niyang Pinay models na kasama kabilang si Miss Earth 2014 Jamie Herrell. Say ni Kiana, “A lot of people are expecting na na-distress ako na-sad ako, I think that all things happened for a reason, what happened was, we were on our way and we were told that the show was cancelled.
Nag pull-out ‘yung mga designer kasi ‘yung producer ayaw daw magpalakad ng mga Filipina models. I got more hurt for the girls that were there kasi sila ‘yung nandun na e. Sila ‘yung parang napahiya to already be there to not be allowed on the make-up chairs.”
In-ere naman ng presidente ng Arts Heart Fashion Week ang kanyang panig. Sa deleted Facebook post ni Erik Rosete, sinabi nitong walang kinalaman sa racial discrimination ang isyu kundi dahil sa usaping pera ng mga nag-imbita kay Kiana para rumampa. Pinagkakakitaan umano ni Jacob Meir ang event ni Rosete sa pamamagitan ng pagkuha ng mga sponsors at ang perang nakukuha mula sa mga ito ay hindi niya ibinibigay kay Rosete. Mapa-Pinay man o hindi, isa sa mga requirements ng kanyang fashion show ang mga model na 5’9” ang tangkad.
Kaya naman buwelta ng ina ni Kiana na si Angeli Valenciano sa kanyang Instagram account noong March 15, kung height lang ang problema, sabihin na lang ng maayos! “No Filipinas will walk saddened and angered me. Was it a height issue?
Then explain it kindly. We flew thousands of miles to participate in the fundraiser because Jacob and businesswoman Filipina Mildred Deang personally called us.”
Say naman ni Kiana, out siya sa kung ano man isyu ng organizer na si Erik Rosete at ng nag-imbita sa kaniya na si Jacob Meir. “I think that that in itself is between the two of them. It has nothing to do with me so hintayin na lang natin ‘yung statement ni Jacob.”
Dagdag pa ng one and only daughter ni Gary V, hindi man siya nakarampa, for the books pa rin daw ang kanyang pagpunta sa LA “It’s really unexpected na nangyari ‘yun, pero for myself I think I still got a trip out of it and it was still an amazing experience.”