By Ruel J. Mendoza
ISA sa sought-after hunks ngayon sa showbiz ay ang anak ni Gary Estrada na si Kiko Estrada.
Sunud-sunod ang mga projects ni Kiko sa TV at pelikula, kaya nitong biguin ang mga nagbigay ng tiwala sa kanya.
Huling napanood si Kiko sa pelikulang “My Fairy Tail Love Story” at kasalukuyang ginagawa niya ang pelikulang “Walwalan” under Regal Entertainment.
Naging isa sa bagong endorsers din si Kiko ng kilalang underwear brand na Bench.
Ngayon ay makaka-partner pa ni Kiko si Julie Anne San Jose sa bagong rom-com musical teleserye ng GMA-7 na “My Guitar Princess.”
Last teleserye ni Kiko ay ang “Mulawin Vs. Ravena” kunsaan gumanap siyang kontrabida. Sa “My Guitar Princess” ay romantic leading man siya together with Gil Cuerva.
Hindi inasahan ni Kiko na nagiging popular siya sa millennial crowds ngayon. Pero mas gusto niyang makilala as a versatile actor kesa sa matanghal na isang matinee idol.
“There’s nothing wrong in being a heartthrob or a matinee idol. My dad, during his days as an actor, isa siya sa mga heartthrobs ng ‘90s.
“Pero ako po gusto kong makilala bilang isang versatile actor. ‘Yung puwedeng bida at puwedeng kontrabida. ‘Yung lahat po ng roles ay kayang gawin.
“It’s versatility over everything. Adapt or die. So yeah, I like to show my range and I like to show I can play anything. I think that’s the basic want of all actors.
Excited na rin siyang makasama si Julie Anne sa isang teleserye.
“It’s gonna be the first teleserye na me and Julie Anne San Jose are gonna work together.’’