By FREDDIE G. LAZARO
CANDON CITY, Ilocos Sur – Mahigit kumulang R2 milyong marijuana ang sinunog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang tago at sikretong taniman sa Sitio Bana, Brgy. Tacadang, Munisipyo ng Kibungan, Benguet nitong Lunes at Martes.
Ayon kay Atty. Joseph Calulut, PDEA-Cordillera spokesperson, nasa 8,700 na marijuana plants at 2.4 kilos na marijuana stalks ang sinira ng mga operatiba sa lugar sa pamamagitan ng “Oplan Bana,” isang anti-illegal drug campaign na ipinatutupad ng PDEA.