By Dante A. Lagana
PASABOG pa rin ang mga hirit ng matalino at komedyanteng si Giselle Sanchez nang maghost ito ng isang event na ginanap sa SM Mall of Asia Arena last March 18.
Kumanta siya ng mga songs na hinulaan ng mga audience na isa-isang umakyat sa stage. Sa bawat kanta na aawitin ni Giselle sasabayan nila itong kantahin at huhulaan. Hagalpakan ng tawa ang mga tao dahil may kaakibat pa lang joke ang magiging sagot nila na kanilang ikinagulat at ikinatawa na lang. Hindi magkamayaw sa katatawa ang mga taong nanonood sa bawat batong joke ni Giselle Sanchez dahil panalo at bago sa panlasa ng mga madlang pipol. Kumbaga bentang-benta ang pinakawalan niyang jokes. Timing naman na naaayon sa event ang kanyang mga patawa.
Kahanga-hanga kung paano maghost ang komedyante despite the long hours ng program.
Composed and proper and alive pa rin at napaka-professional. “Ganyan dapat tayo. We signed for that,” ang saad niya.
Nagguest din doon ang mga artists gaya nila Bamboo, Moira Dela Torre, Hash Tag Ronnie Alonte at Ex Battallion.
Dumagundong ang buong arena sa sigawan at palakpakan ng mga tao sa bawat kanta na kanilang inaawit.