By Ruel J. Mendoza
Kahit nagpapahinga muna sa kanyang showbiz career si Heart Evangelista-Escudero, ramdam na ramdam pa rin ang kanyang presence via social media dahil sa kanyang mga travels kasama ang kanyang mister na si Senator Chiz Escudero.
Kelan lang din ay naging busy din si Heart sa kanyang charity work with Gawad Kalinga kunsaan nagluto at nagpakain siya ng higit sa tatlong daang kabataan via Kusina sa Kalinga project.
Inimbitahan pa ni Heart ang kanyang mga followers sa social media na samahan siya sa next charity work niya for Gawad Kalinga.
Isa pang pinagkakaabalahan ni Heart habang naghihintay siyang mabuntis ay ang kanyang painting exhibit titled “In Full Bloom” na magsisimula sa March 27 at ArtistSpace, Ayala Museum Annex on Makati Ave. corner dela Rosa St., Makati.
The art exhibit will be on exhibition until April 12 at open ito sa public.
Ang naging unang painting exhibit ni Heart ay naganap noong 2014 titled “I Am Love Marie” at maraming art critics ang pumuri sa kanyang mga obra.
Kaya maraming mga gawa ni Heart ang nabili at naka-display na sa iba’t ibang galleries here and abroad.
“I think it’s because I’ve found myself and I’m now more sure of the paths I want to take.
“I have also become more comfortable in baring more of myself and in every decision that I now make, I can go all out and give it all my heart and soul towards full self-actualization,” ngiti pa ni Heart na ang medium ay oil and acrylic sa kanyang paintings.
Bukod sa kanyang paintings on canvas, tuloy pa rin ang pagtanggap niya para sa nagpapa-hand-paint ng designer handbags.
Ngayon ay mga hand-painted gowns na ang ginagawa ni Heart para sa designer-friend niyang si Mark Bumgarner.