By ROBERT R. REQUINTINA
INAMIN ng singer na si Kyla na pinagselosan noon ng kanyang asawa na si Rich Alvarez ang singer na si Jay-R.
“Si Rich po, inamin nya sa akin one time na nagseselos po pero hindi ko naramdaman na nagselos pala sya,” ayon kay Kyla, sa interview sa “Tonight With Boy Abunda” sa ABS CBN.
“Nakwento na lang nya sa akin ‘yun mag-asawa na kami. Nagseselos pala dati sya kay Jay-R.
“Pero hindi ko naman sya na-feel at all-out kasi sobra syang supportive and minsan sya pa ‘yung nagsa-suggest ‘you know when you sing sometimes, you have to hold his hands, you have to be sweet on stage.’ Ganyan po sya.”
“Si Jay-R, pagdating sa stage, undeniable ‘yung chemistry namin. Kasi ‘yung music po namin nagja-jibe talaga. Pareho kami ng influence, pareho kami ng listening. Pero off-stage para lang kaming magkapatid,” dagdag ni Kyla.
Nang tanungin ni Kyla sa asawa kung bakit hindi nya nasabi nuon, sagot ng singer: “Sabi ko ba’t di mo sinabi? Wala lang it wasn’t a big deal. Ganun lang sya.”
Sa ngayon, si Kyla ay isa sa mga hurado sa “Tawag ng Tanghalan” portion ng noontime show na “It’s Showtime” sa Kapamilya network.
Si Rich naman ay dating basketball star at ngayon ay assistant coach na para sa basketball team na Kia Picanto ng Philippine Basketball Association.
Seven years nang kasal ang dalawa at meron silang anak na si Toby Elsiah.
Nang tanungin kung kumusta ang buhay may asawa, sabi ni Kyla: “Masaya po. Sa tutoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang nagawa ko at napakabait ng binigay sa akin ni Lord na asawa. Perfect sya for me. Napakabait po.”
Sinabi rin ni Kyla na wala silang katulong ni Rich sa bahay.
“Wala akong kasamahan sa bahay. Rich and I do everything at home, mga household chores. Wala kaming yaya.
“Before I go to work for ‘Tawag ng Tanghalan,’ nagawa ko na lahat, nakapaglaba na ako, nakapagsampay na ako, nakapagtupi na ako, nakapagplantsa na ako na dapat suutin ng anak ko, ng damit ko,” ayon kay Kyla.