By Betheena Kae Unite
Nasamsam ng Bureau of Customs (BoC) ang iba’t ibang klase ng counterfeit beauty and skin care products na nagkakahalaga ng R600 million sa dalawang warehouses sa Tondo at Binondo, Manila.
Sa bisa ng letter of authority mula kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, ininspeksiyun ng Enforcement and Security Service (ESS) agents ang warehouse sa Bldg.1336, Antonio Rivera Street, Tondo at Doña Maria Lim Bldg. Ilang-Ilang Street, Binondo kung saan nadiskubre ang boxes ng kilalang beauty and skin care products.
Napag-alaman na ang brand owners ang nag-tip sa bureau ng warehouse kung saan iniimbak ang fake versions ng kanilang mga produkto.
Base sa initial investigation, isang Kevin Lee ang occupant ng warehouse sa Tondo habang isang Anthony Lee at Brian Lee naman ang occupants ng warehouse sa Binondo.