by Laila Chikadora
SA mga gusto ng kakaibang dining experience, bakit di subukan kumain kung saan bongga ang hangin! Pati ikaw ….hanging!
Aariba na sa Pilipinas ngayong April 3 ang Dinner in the Sky! Fine dining na may four hanggang five course meal habang naka-lutang ang hapag kainan ng 150 meters! Promise ng mga organizer, maganda ang view, dahil Manila sunset ang background mo!
“We have a view of the sunset and a view of the skyline, so that is a view that you don’t get every day!” say ni Stephanie Omila ang Chief Administrative Manager ng MMI Live.
Wag matakot dahil ang lahat ng upuan, may seat belt, kaya lafang lang nang lafang! Bawal ding tumayo para bumaba ang kinain at kung nalulula naman, agad din nilang maibaba ang crane.
Kung may espesyal na okasyon, puwedeng mayroong personalized wine o champagne. Katunayan marami na ang nakapag-propose in the sky! Perfect na perfect nga daw ito dahil tiyak… ibibigay ni Ate girl sa iyo ang kanyang matamis na “oo.”
Pabirong sagot pa ni Arvin Randahwa ang CEO ng Dinner in the Sky Asia, “The success is always a hundred percent! The girl always says yes because she can’t go anywhere! She can’t run!”
Hanggang May 21 maaring i-experience ang kakaibang dinner sa Esplanade ng Solaire Resort sa Parañaque. Maghanda din ng pambayad dahil medyo nakaka-lula din ang presyo na nagsisimula sa P9,990 hanggang P24,990! Pero gaya nga ng sabi ng mga organizer, kakaiba at adventure filled ang dining experience na ito!