Hindi magkasamang nagkabasyon ang rumored sweethearts na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo ngayong Holy Week.
Base sa kanilang Instagram posts, nagbakasyon si Bea sa Japan kasama ang kanyang pamilya samantalang si Gerald naman ay pumunta sa France at Greece.
“My greatest blessing,” ayon sa caption ni Bea sa isang picture na kasama ang kanyang pamilya.
Si Gerald naman ay makikitang may mga kuha sa mga magagandang tanawin sa Europa. Sa mga IG posts nya mapapansin na wala syang kasama sa mga pictures.
Naging guest si Gerald sa isang DzMM event sa Greece at first time naman nyang pumunta sa France, ayon sa report.
Dahil dito, muling nabuo sa isipan ng mga fans na tila may hindi talaga magandang something ang namamagitan sa dalawang Kapamilya stars.
Huling nagbakasyon ng bonggang-bongga sila Gerald at Bea sa America noong December 2017.
Pumunta rin silang dalawa sa Davao City noong April 2017.
Matatandaang na-unfollow ni Bea si Gerald sa kanyang Instagram halos isang linggo na ang nakakaraan.
Dito nabuo ang spekulasyon ng mga fans na may hindi magandang pagtitinginan ang dalawang Kapamilya.
Pati na rin si Pia Wurtzbach, katambal ni Gerald sa pelikulang “My Perfect You,” ay na-unfollow ni Bea.
Hanggang ngayon, tikom pa rin ang mga bibig ng mga artistang dawit sa kontrobersya.
Bago lumipad si Gerald sa Europa, nasabi nya sa isang interview na wala namang problema sa love life nya sa ngayon.
“Ayos naman, steady naman,” ayon kay Gerald. (Robert R. Requintina)
802133 598883 Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So good to uncover somebody with some original thoughts on this topic. realy thank you for starting this up. this web site is something that is necessary on the web, someone with slightly originality. useful job for bringing something new to the internet! 142731
583798 195181I conceive this website has got some real great information for everybody : D. 654749
415949 127235I like this web site really considerably so much amazing details. 892076