By Kim Atienza
Marami sa atin ang hindi nakakaalam na ilang lugar sa Mindanao ang may kalamigan ang klima.
Halimbawa, alam n’yo bang ang syudad ng Marawi ay malamig at kaiga-igayang pasyalan lalo na ngayong tag-araw?
Marawi boasts a 2,600-foot-high elevation. Ang temperature ditto ay karaniwang bumabagsak sa 57 F (14 C).
Mas natandaan ng maraming Pilipino ang Marawi bunga ng kaguluhan at masamang balita dulot ng recent siege nito ng mga terorista. Ngunit kung pakaiisipin, nakakapanghinayang kung hindi ito madadalaw man lang ng marami sa atin.
•
Banaue.
Next to Baguio, maraming Pilipino ang nahikayat nang pasyalan ang Banaue. Kilala ito bilang setting ng Rice Terraces.
Sa angking lamig ng panahon dito, maraming varieties ng bigas ang tumutubo dito. Tinaguriang ‘visually stunning monuments of ancient engineering’ ang rice terraces, tunay naman wonder ng mundong ito.
Ang pinakamataas sa mga ito ay umaabot sa 4,900 feet above sea level.
•
Lake Sebu.
Ang Lake Sebu sa Lanao ay may pitong waterfalls.
Ang temperature dito ay naglalaro karaniwan sa 25C.
Everywhere, maaari kang magpainit ng katawan sa pamamagitan ng mga telang tradisyonal gaya ng t’nalak. Ipinagbibili ito sa bayan.
•
Itbayat.
Nasaan ba ang Itbayat?
Itbayat is the only low-altitude town on this list. What it lacks in altitude, it makes up for in latitude.
Ang Itbayat ang northernmost town sa Pilipinas. Natural, ito ang siyang pinakamalayo sa equator.
May apat na seasons, hindi lang dalawa, ang Itbayat.
Ang sabi ng search data, Itbayat can out-winter Baguio between November and February, when temperatures crash down to 44 F (7 C).
Tayo na sa Itbayat kung ganon.
•
TRIVIA PA MORE (Various Sources): The top of the Eiffel Tower leans away from the sun, as the metal facing the sun heats up and expands. It can move as much as 7 inches.
•
The human nose can remember 50,000 different scents.
•
The dark region on the north pole of Pluto’s moon, Charon, is called Mordor.
•
Send your questions on anything and everything to Kuya Kim through my Twitter account @kuyakim_atienza using #AlaminKayKuyaKim.
Atingtuklasinangmgabagay-bagayna di niyo pa alam. Walang ’di susuungin, lahataalamin.Ito posiKuya Kim, Matanglawin, only here in Tempo.