By ROBERT R. REQUINTINA
TODO-workout pa rin ang aktor na si Sylverster Stallone kahit ito ay 71 years old na.
Ito ay ipinakita ni Stallone sa kanyang mga post sa Instagram kung saan ay enjoy na enjoy pa rin sya sa mga mahihirap na workout routine.
Pinatunayan pa rin nya na kayang-kaya pa rin niyang gawin ang mga nagagawa ng mga kabataang lalaki pagdating sa workout.
Nakadalasan, ang mga lalaki na nasa edad na 71 ay uugud-ugod na pero iba ang ipinahiwatig ni Stallone.
“Getting ready for creed working hard the @gunnarfitness! It doesn’t get harder just gets more challenging folks,” ayon sa kanyang IG post.
Ang kanyang todo work-out ay paghahanda para sa kanyang bagong pelikulang “Creed 2” na nakatakdang ipalabas sa November 2018.
Sa part one ng pelikulang “Creed,” nanalo si Stallone ng Best Supporting Actor award sa Golden Globe at iba pang award-giving bodies. Muli naman siyang na-nominate sa Oscar Awards sa parehong kategorya para sa nasabing pelikula.
Noong February, biktima si Stallone ng fake news matapos kumalat ang balita na namatay na raw ito dahil sa prostate cancer.
“What kind of sick demented cruel mind thinks of things like this to post? People like this are mentally deranged and don’t deserve a place in society,” ayon sa kanyang kapatid na si Frank Stallone.
“I’m very protective of my older brother and I don’t find any humor in this fake post today on my brother’s demise. It upset my 96 yr old mother so I’m doubly upset,” dagdag ni Frank.