By ARIEL FERNANDEZ
May 81 overseas Filipino workers (OFW) na dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 galing Abu Dhabi.
Kabilang sila sa mga OFW na na ini-repatriate ng pamahalaan dahil sa magkakaibang problema sa kanilang mga trabaho doon.
Alas 8 ng umaga ng lumapag sa NAIA Terminal 1 ang PAL flight PR-657 lulan ang 81 na mga mangagawang pinoy.
Sinalubong sila ng mga kawani ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa proper documentation bago sila isailalim sa debriefing.
Una ng nangako ang pamahalaan na bigyan sila ng tulong pinansyal.
Ililibre na rin diumano ng pamahalaan ang kanilang pamasahe pauwi sa kani-kanilang mga lalawigan.