By ROBERT R. REQUINTINA
Nagulantang ang Hollywood nang inamin ng aktor na si Dwayne Johnson na may alitan silang dalawa ni Vin Diesel na nagsimula pa nang ginagawa nila ang “Fast and the Furious 8” noong 2016.
Ito ay isiniwalat ni Johnson sa isang interview para sa May issue ng Rolling Stones magazine.
Sa panayam ng Rolling Stones, sinabi rin ni Johnson na hindi sya pumayag na maka-eksena si Diesel para sa sequel ng pelikulang “Fate of the Furious” noong 2017.
Nagpahiwatig din si Johnson na hindi pa sure kung sasali pa sya sa “Fast 9” na naka-takdang ipalabas sa 2020.
“That is correct. We were not in any scenes together. Vin and I had a few discussions, including an important face-to-face in my trailer. And what I came to realize is that we have a fundamental difference in philosophies on how we approach moviemaking and collaborating. It took me some time, but I’m grateful for that clarity. Whether we work together again or not,” ayon kay Johnson.
Naunang isina-publiko ni Johnson ang pagka-irita niya kay Diesel noong 2016 nang mag-post sya sa Instagram at nagsabing may serious issue siya sa isang castmate nya sa Fast and the Furious.
Hindi pinangalanan ni Johnson ang artistang tinutukoy niyang unprofessional at “candyass.” Pero kalaunan ay tinutukoy pala niya si Diesel.
Pero sinabi ni Johnson na naka-move on na sya ng mga panahon na yun. Subali’t tila hindi pa rin daw talaga sila magkasundo.
Abala ngayon si Johnson sa pelikulang “Fast and Furious’ Hobbs and Shaw” kung saan makakasama naman nya si Jason Statham. Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa 2019.
“Right now I’m concentrating on making the (Fast and Furious’ Hobbs and Shaw) spinoff as good as it can be. I wish (Diesel) all the best and I harbor no ill will there, just because of the clarity we have. Actually, you can erase that last part about ‘no ill will.’ We’ll just keep it with the clarity,” ayon kay Johnson.
Ang Fate of the Furious ay isa sa mga box-office hits noong 2017 matapos itong kumita ng $1.2 billion sa buong mundo.