By RUEL J. MENDOZA
Happy ang Star Music artist na si RJ Agustin dahil sa pag-launch ng kanyang unang single titled “Seryoso Na Pala”.
Sa pagpasok ng 2018, pumirma si RJ bilang isa sa bagong contract artist ng Star Music, ang music arm ng ABS-CBN 2.
Kasabay sa pag-drop ng single ni RJ ay ang release din ng music video nito kunsaan kasama niya ang Star Magic teen actress na si Michelle Vito.
Big break ito para kay RJ na ipakita ang kanyang talento sa pag-awit at gusto niyang mapakinggan ng maraming music lovers ang single niya, hindi lang mga millennial lovers kundi pati na ang mga dumaan na sa iba’t ibang relasyon.
Sa music video na dinirek ni Real Florido, ipapakita na nagsimula ang dalawang tao bilang magkaibigan hanggang sa magkaroon sila ng feelings para sa isa’t isa. Pero sa bandang huli ay sa ibang tao sila nagkaroon ng relasyon.
“May kurot sa puso ang single na ito. Maraming makaka-relate kaya na-inspire akong i-record ito.
“Kung ang hanap ngayon sa mga love songs ay yung tinatawag na hugot, mararamdaman nila iyon sa single natin,” sey ni RJ.
Kahit na nagsimula bilang isang aktor at film producer si RJ, mas gusto na nitong mag-concentrate ngayon sa kanyang singing career.
“Ito ang matagal ko nang hinihintay. I love music. I love singing. It’s good to hear beautiful music especially if it comes from the heart,” ngiti pa niya.
Abangan ang iba’t ibang radio tours, mall tours, TV appearances and live performances ni RJ as he promotes the single “Seryoso Na Pala”.
The single can be downloaded via Starmusic.ph, Apple Music, Spotify and Amazon.com.
Seryoso Na Pala hit the airwaves at MOR on April 5 and the music video premiere will be launched at MYX on April 11.