By Kim Atienza
Ngayong tag-init at bakasyon ang mga bata, kay sarap mamasyal at kumain. Nalalapit na rin ang buwan ng Mayo, buwan ng maraming pista sa Pilipinas.
Sa artikulong ito, hihiramin ko ang mga payo ni Dr. Willie T. Ong tungkol sa healthy eating.
Pinagsama-sama ni Dr. Ongh ang mga payo sa nutrisyon na inirerekomenda ng American Heart Association.
Ang mga payo ay makakatulong sa mga mambabasa na kumain ng masustansya, upang maiwasan ang mga sakit at mabuhay nang matagal.
Halimbawa. Pumili ng hindi matabang karne at manok na walang balat.
Nirerekumenda ng American Heart Association ang pagkain ng hindi lalabis sa anim na ounce ng lutong karne, manok, isda o pagkaing dagat kada araw. (Halos kasing laki ng dalawang pinagpatong na kahon ng baraha kada araw).
•
Mainam na parte ng baka kadalasan ay sirloya, batok, lomo, at pigi. Pumili ng “choice” o “select” na klase kaysa sa “prime”. Piliin din ang walang halos taba o walang tabang karne.
•
Ang mainam na parte ng baboy ay lomo o loin chops.
Tanggalin ang mga nakikitang taba sa karne at manok bago ito iluto.
•
Ang pato at ang gansa ay may mataas na taba kaysa sa manok at pabo.
•
Inihaw na karne ay mas masustansya.
•
Ang lamang loob tulad ng atay,bato at utak ay may mataas na kolesterol.
•
Ang mga hiwa at prinosesong karne ay may mataas na sodium at saturated fat.
•
TRIVIA PA MORE (Various Sources): A Japanese person did not invent the karaoke. A Filipino businessman did – Roberto del Rosario. He first called his invention “Sing-Along-System” but the Japanese popularized it and called it ‘karaoke’ meaning ‘to sing without accompaniment’.
•
The Philippines’ biggest city Davao City in Mindanao Island is the biggest city in the country with an area of 2,211 square kilometers. Metro Manila is about three times the size of Davao City. It is famous for durian (that stinky but delicious king of the fruits) and bananas, among other products and resources.
•
Send your questions on anything and everything to Kuya Kim through my Twitter account @kuyakim_atienza using #AlaminKayKuyaKim.
Ating tuklasinangmgabagay-bagayna di niyo pa alam. Walang ’di susuungin, lahataalamin.Ito posiKuya Kim, Matanglawin, only here in Tempo.