By MERCY LEJARDE
WALA nang makapipigil kay Yasmien Kurdi sa pagiging palaban ng role niya as Thea sa GMA Afternoon Prime series na “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.”
Palala na kasi nang palala ang mga eksena sa serye at lalong dumarami ang umaapi sa kanya. Kaya naman si Yasmien, nagpapahanda na ng tissue sa mga manunuod.
Pero hindi naman ito problema dahil ang mga fans, nangakong hindi sila bibitaw at mas dadamayan pa nila ang ating bida. Iba ka, Thea ha!
No wonder parami nang parami pang fans ang patuloy na pumupuri dito dahil sa mga exciting episodes at napakagandang adbokasiya na ibinabahagi ng show tuwing hapon sa GMA.