By Dhel Nazario
Patay ang isang construction worker nang saksakin ng boyfriend ng babaeng tinitigan niya habang naglalakad sa kalye sa Taguig City dakong 12:30 a.m. kahapon.
Kinilala ng police ang napatay na si Foljhon Fuentes, 25, residente of Cuasay St., North Signal, Taguig City. Dead on the spot siya dahil sa tinamo niyang saksak sa katawan.
Ang suspek na nakilalang si Robert Valuenzuela, 24, ay nadakip matapos na ituro ng bystanders sa police officers na nagpa-patrol noon sa naturang lugar.
Base sa police investigation, naglalakad si Valenzuela at ang kaniyang girlfriend sa MRT Avenue, E.P. Housing Phase 2, Pinagsama, Taguig City, nang masalubong nila ang lasing na si Fuentes.
Ayon sa police, nabangga ni Fuentes ang suspek na naging dahilan ng kanilang pagtatalo. Sinabi ni Valenzuela sa police na tinitigan pa ng biktima ang kaniyang girlfriend. Dahil sa inis, bumunot si Valenzuela ng balisong at inundayan ng saksak si Fuentes.
Nakakulong ngayon si Valenzuela sa Taguig City Police.