By Rowena Agilada
Kahit walang diretsang pag-amin mula kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, balitang this month manganganak si Ellen.
Sa latest post ni JLC sa kanyang Instagram account, picture ng isang playpen na kulay peach, brown, orange at green ang ipinakita niya. Nasa hagdan naman ang isang desk top at hard drive.
Simpleng “Guada” ang caption ni JLC. May ispekulasyon na baby girl ang ipapanganak ni Ellen . Abang-abang na lang.
Carry lang
Hindi papatayin ang karakter ni Gina Alajar bilang Adel sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” Nagsimula na siyang mag-taping bilang direktor naman ng isang upcoming show ng GMA7 ,tampok sina Mikee Quintos, Kate Valdez, Nora Aunor, Cherie Gil, among others.
Si Gina ang main kontrabida sa HKKIK na aniya, kaya naman niyang pagsabayin ang pag-arte at pagdidirek. May kaunting adjustment lang sa kanyang schedule.
Kinamumuhian ng viewers si Gina bilang Adel sa HKKIK. Mother-in-law siya ni Yasmien Kurdi (as Thea) na sobrang pang-aapi ang ginagawa niya.
Paigting nang paigting ang mga kaganapan sa HKKIK na talaga namang sinusubaybayan ng Kapuso viewers dahil maraming aral ang natututunan tungkol sa sakit na HIV.
Mga babaeng bakla
Para palang si Kim Chiu si Liza Soberano. Noong boyfriend pa ni Kim si Gerald Anderson, generous girlfriend siya. Ang daming mamahaling bagay ang naibigay/nairegalo ni Kim kay Gerald. Aminado naman si Kim na babaeng bakla siya noon dahil sobra siyang magmahal.
Ganyan din si Liza kay Enrique Gil. Bukod sa todo-effort siya sa surprise birthday party niya para sa kanyang BF na Jamaican ang theme, binigyan pa ni Liza si Enrique ng expensive ring, bracelet at necklace.
Proud BF si Enrique na ipinakitang suot niya ang mga ‘yun sa isang video na nasa likuran niya si Liza . Sabi ng netizens, parang babaeng bakla rin pala si Liza kung magmahal.
Wish naman ng solid fans ni Liza, sana’y huwag lolokohin at paiiyakin ni Enrique si Liza. Lucky guy siya dahil siya ang first boyfriend ni Liza. Maraming guys ang inggit much kay Enrique.
Misunderstanding
Sabi ni Gerald Anderson, nagkaroon lang sila ng misunderstanding ni Bea Alonzo. Naayos na nila ‘yun.
Kung anuman ang naging misunderstanding nila, hindi na nag-elaborate si Gerald. Basta aniya, wala na ‘yun! Okey na sila. Mag-move-on na lang daw sana sa isyu (break-up kuno!). So, there!