By Anthony Giron
IMUS, Cavite – Maaaring hindi na muna mapapanood sa telebisyon ng kanyang mga tagasubaybay ang rapper na si Zaito (Pedro Canon Jr. sa totoong buhay) matapos masakote ito ng mga alagad ng batas Martes.
Ayon sa pulisya, nahulihan ng tatlong sachet ng shabu ang binata sa kanyang tinitirhan sa Barangay Toclong, Kawit makaraang mag-issue ng search warrant doon si Judge Agripino C. Morga ng San Pablo City (Laguna) Regional Trial Court Branch 32.
Unang nakilala si Zaito bilang contestant sa Flip Top Battle League-Philippines.
Lumalabas din siya sa sikat na TV series na “FPJ’s Ang Probinsiyano.”