By Kim Atienza
Bawasan ang pagkain ng makolesterol na karne o anuman ulam man.
• Piliting limitahan sa 300mg ang pagkain ng kolesterol kada araw.
• Ilan sa mga karaniwang makolesterol na pagkain ay itlog (200mg/yolk), molusko (50 – 100mg kada 1/2 tasa), lamang loob gaya ng atay (375mg kada 3oz), gatas (30mg kada tasa).
•
Ang puti ng itlog ay walang kolesterol at mainam na pinagkukunan ng protina. sa katunayan maaari mong palitan ng dalawang puti ng itlog ang kada isang pula ng itlog sa inyong pagluluto kapag kakailanganin ng isang buong itlog.
•
Subukang iwasan ang mga inuming may dagdag na asukal. Ang pag-inom ng calorie-laden na inumin ay hindi nakabubusog bagkus ikaw ay mapaparami ng pagkain at magsisimulang tumaba.
•
Halimbawa ng mga karagdagang asukal ay sucrose, glucose, fructose, maltose, dextrose, corn syrup, high-fructose corn syrup, concentrated fruit juice at pulot.
•
Basahing mabuti ang mga sangkap ng inumin. Piliin ang inuming walang halong karagdagang asukal na sangkap.
•
Ang maalat ay hindi wasto sa kalusugan. Ugaliing kumain lamang ng hindi lalabis sa 2,300mg ng asin o sodium kada araw. Ang mga taong may high blood pressure ay hindi dapat lalabis sa 1,500mg kada araw.
•
Piliin ang mga pagkain na may nakalagay na “reduced sodium.”
Limitahan sa paggamit ng high-sodium na sawsawan at pagkain gaya ng toyo, patis, bagoong, steak sauce, worcestershire sauce, flavored seasoning, asin, pickles at olives.
•
Palitan ang asin ng mga herbs at iba pang pangpalasa. Gumamit ng suka, kalamansi o hot chili sa pampalasa.
•
TRIVIA PA MORE (Various Sources): The earliest archeological evidence for the consumption of soup dates back to 6000 B.C, and it was hippopotamus soup!
•
Worcestershire sauce, the popular English sauce is made from dissolved anchovies. The anchovies are soaked in vinegar until they have completely melted. The sauce contains the bones and all.
•
Send your questions on anything and everything to Kuya Kim through my Twitter account @kuyakim_atienza using #AlaminKayKuyaKim.
Atingtuklasinangmgabagay-bagayna di niyo pa alam. Walang ’di susuungin, lahataalamin.Ito posiKuya Kim, Matanglawin, only here in Tempo.