By ROBERT R. REQUINTINA
Mas matatag at mature na Bianca Manalo ang humarap sa media ngayon matapos syang masagip sa pagkalunod sa Mararison Island sa Antique noong March 29.
Inamin ni Manalo na nagkaroon siya ng phobia sa mga dagat at beach sa ngayon matapos ang malagim na insidente kasama ang kanyang boyfriend na si Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan at iba pa.
“Ayoko muna ng mga dagat. Every morning I’m still having nightmares. Kaninang umaga nalulunod daw ako. Kahapon hinihila raw ako ng mga whales sa dagat so my dream is still about the ocean pa rin,” ayon kay Manalo, sa interview sa press presentation ng 40 official candidates para sa Mr and Ms Hannah’s World Tourism Philippines 2018 sa SM Aura sa Taguig City noong Sabado.
“I’m going through post traumatic debriefing. I’ve been having counselling with my psychologist so it’s part of it.
One day at a time. It’s not easy. Normal ‘yung may trauma but siguro one month from now I’ll be okay;
“Right now, if I need to see her, I will see her. Pagnalulungkot lang ako or nagkakaroon ako ng panic attack, I will text her or call her so nakakatulong din yun. Sometimes when you talk to your psychologist, you feel safer. So that’s what I do to help myself,” ayon sa dating beauty queen.
Naging madasalin din ngayon si Manalo at malaki ang pasasalamat nya sa pangalawang buhay na ibinigay sa kanya ng Maykapal.
“I pray a lot. After the incident, a day after, I went to hear Seven Last Words. And then nag-procession ako. I went to Easter Sunday mass. Pagdating ko sa Manila, nagpa thanksgiving mass po ako. Last Tuesday, I went to Manaoag. So lahat na ng simbahan, kung pwede kong alayan, gagawin ko dahil ganun po kalaki yung pasasalamat ko sa kanya at binigyan nya uli ako ng pangalawang pagkakataon,” ani Manalo.
Dagdag pa ni Manalo na balik-taping na uli sya para sa “Ang Probinsyano” sa ABS-CBN nitong April 16. “Start taping na po ako on Monday. I have to run my race again. Kung ano yung mga mangyayari sa buhay, aayusin ko muna yung sarili ko.”
Sa kanyang pagkasalba sa pagkalunod, inamin ni Manalo na lalo syang naging matatag ngayon sa buhay.
“Nawala yung cellphone sa aksidente. But I don’t care about the material things anymore. Ang importante sa akin is buhay ako kasi pagmamatay ka na, ang importante na lang sa’yo pamilya mo. Bibitawan mo talaga lahat;
“Ngayon siguro, kahit ano pang dagok ang dumating sa buhay ko, kakayanin ko na. Wala ng ibibigay ang Diyos sa akin na hindi ko kakakyanin,” ayon kay Manalo, na naging pambato rin ng Pilipinas sa 2009 Miss Universe beauty pageant.