By RUEL J. MENDOZA
NAGTAKA ang followers ng singer na si Mark Bautista kung bakit biglang nawala sa Instagram account nito ang mga pinost niyang photos na naka-make-up at may long hair wig siya.
Sunud-sunod ang pag-post ng “out and proud” singer sa mga pics na inaayusan siya para sa isang unnamed project.
May solo post pa nga si Mark at parang feel na feel niya ang hitsura niya after siyang maayusan.
Pero biglang na-delete ang uploaded photos ni Mark.
Ayon sa isang source, nagkaroon daw ng mixed reactions ang mga followers ni Mark sa Instagram noong makita nila ang uploaded photos na in full make-up at wig ito.
May ibang nagtanong kung nagpapaka-mujer na ba si Mark dahil alam na ng lahat ang tunay na pagkatao niya? Papunta na raw ba siya sa pagiging next BB Gandanghari?
Pero ang totoo raw ay pina-delete daw ng management ni Mark ang mga photos dahil confidential pa raw ang project na iyon at hindi raw dapat pinost ng singer muna ang magiging look niya sa project na iyon.
Nanghuhula ngayon ang netizens kung movie, TV or theater project ba itong papasukin ni Mark.
Anyway, hinanda naman daw ni Mark ang kanyang sarili sa magiging reactions ng maraming tao sa revelation niya.
Nakakatanggap pa rin daw ang singer ng harsh comments dahil sa kanyang big reveal. Pero alam na raw ni Mark ang gagawin niya – iyon ay ang manahimik, magtrabaho at dumistansya muna sa pagiging aktibo sa social media.
“Na-prepare ko rin ang sarili ko sa mga ganung bagay.
“Kasi, ‘yun ‘yung isa sa mga fears mo na kapag nilabas mo ito, marami talagang magdi-distance sa ‘yo.
“Maraming… alam mo ‘yun, hindi pabor sa ‘yo. So, hinanda ko ‘yung sarili ko doon. So I was prepared,” pagtapos pa ni Mark Bautista.