By Ariel Fernandez
Umabot na sa 4,365 ang bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na nakauwi sa bansa simula noong February 11 nang ipatupad ng pamahalaan ang repatriation program para sa OFWs na nasa bansang Kuwait.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer Cato, sa mga susunod na araw, 400 pang OFWs ang inaasahang dadating matapos makapag-avail ng amnesty mula sa gobyerno ng Kuwait.
Nauna rito, 190 na mga distressed OFW mula Kuwait — kabilang ang walong menor de edad — ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 alas 6:15 ng umaga sakay ng Qatar Airways flight QR-934.
Pinagkalooban ang mga dumating na OFWs ng tig- R5,000 bilang paunang cash assistance.