By ROBERT R. REQUINTINA
WALA nang ibang wish ang aktres na si Kim Chiu sa kanyang kaarawan sa April 19 kundi ang kumita nang bonggang-bongga ang kanyang bagong pelikulang “The One That Ghost Away” na palabas na ngayon sa mga sinehan.
“Ang hiling ko talaga ngayong taon hindi para sa sarili ko kundi para sa pelikula kong ‘The One that Ghost Away,’ “ ayon kay Kim sa interview sa “Tonight With Boy Abunda” sa ABS CBN.
“Gusto kong maraming manuod. Gusto ko maging okay sya,” ayon kay Kim na 28 years old na sa kanyang kaarawan.
Ayon kay Kim, bago sa kanya ang role ng esperetista sa nasabing pelikula.
“Esperetista ako dito. Mahilig kasi akong manghula. So manghuhula, nagka-cast away ng mga ghosts. Tapos pamilya kami ng esperetista. Dinamay ko na ‘yung mga kaibigan ko. Hindi naman talaga sila esperetista. Gusto ko lang meron akong mga combat troops,” ani Kim. “Then nagkaroon kami ng client na magbibigay sa amin ng P1 million.”
Kasama rin ni Kim sa pelikula ang komedyanteng si Ryan Bang.
Samantala, pinasalamatan naman ni Kim si Kris Aquino sa pinadala nyang mga pula at pink na rosas bilang regalo sa kanyang kaarawan.
“Got home to this surprise last night! Nawala antok ko nung nakita ko to! Thank you ate @krisaquino for these beautiful beautiful huge bouquet of roses! Love you always ate! I will always be your panganay! Happy birthday also to bimby on the 19th! Take care ate, hope to see you soon when you get back! Thank you!” ayon kay Kim na nagpost ng larawan ng bouquet of roses mula kay Kris.
Pinasalamatan din ni Kim ang sumuporta sa kanyang bagong CD na ngayon ay Gold Record na.
“Thank you @starmusicph family, sir roxi liquigan, sir jonathan manalo, sir rox santos for all the trust and to all the composers in my album salamat!
“thank you to all my solid supporters for being with me for believing in me for always supporting me in everything I do! sobra po akong nagpapasalamat sa lahat ng pagmamahal at oras na binibigay nyo po para sakin! sa lahat po ng bumili ng album ko, sa lahat ng pumunta sa album tour, sa lahat ng nakinig ng music ko thank you so much! Papa God, maraming salamat po,” dagdag pa ni Kim.